Bakit? Yan na lang lagi kong tanong sa sarili ko.
Feeling ko kasi nakakasakit ako ng tao ngayon dahil nag-go ako para sa happiness ko.
Na parang partly may kasalanan ako sa nangyayari sa kanya sa ngayon. E hindi naman dapat e.
Di ko naman kasalanan na nagpadala siya sa emosyon niya. Na minahal niya yung taong vulnerable as of the moment na dumating siya. Na yung taong yun e, madali ring nadala ng mga pangyayari.
Ohgadd. Ngayon ko lang na-gets. Okay, kasalanan naming dalawa ni guy.
In the first place kami naman ang may problema, pero dapat kasi alam mo na ang taong broken-hearted, in need ng taong papansin sa kanya, e ikaw kasi, pinansin mo. Pinaramdam mo na mahal mo siya, edi ayan, dahil pinakitaan ka ng sweetness, na-in love ka, e ngayong okay na kami, anu nangyari sayo?
Dapat, bago ka nagpakalunod sa pagmamahal mo sakanya, nag-isip ka muna.
Kung malalaman mo lang na mahal na mahal ako ng taong dahilan ng pagkakaganyan mo, anung iisipin mo? Na niloko ka niya? I don't think so, minahal ka niya, oo, pero bilang kaibigan. Dapat inalam mo kung anung lugar mo sa buhay niya bago ka nag-expect at nag-assume.
Parehas tayong nasaktan, oo, maaaring nasasaktan ka hanggang ngayon, pero sana alam mo na mas labis akong nasaktan. Ohgadd, di mo alam. di mo malalaman.
Siya lang ang buhay ko. Sa akin lang siya, dahil iyon din ang gusto niya.
Lemme say, thank you. Kung hindi dahil sayo, di ko ma-rerealize kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Piece of advice: Have a life. Be prepared to experience pain.
Malungkot ako. :(
No comments:
Post a Comment